Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
bartsimpson
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Tue May 12, 2009 6:41 pm

Naniniwala ba kayong may Asuwang?

Noong kami ay mga bata pa, (kami ng aming mga pinsan at mga kapatid) laging kuwento ng aming lolo ang tungkol sa mga asuwang,kapre,duwende,tikbalang at kung ano-anong mga tungkol sa mga maligno o mga multo. At bilang mga bata, syempre pa, naniniwala kami sa kanyang mga kuwento. Pero dahil sa palagi siyang nag-kukuwento tungkol sa mga ito, at dahil wala naman kaming nakikita o nararamdaman, kami ay nag-silaki na hindi gaanong natatakot o naniniwala tungkol sa mga maligno at multo.

Totoo nga bang may asuwang?

Kung ang asuwang na sinasabi niyo ay ang mga nilalang na mukhang demonyo, o mukhang halimaw na kumakain ng tao at sila'y nagiging mukhang normal na tao kapag araw o maliwanag, sa palagay ko ay wala nito. Pero ako ay naniniwala na maraming iba pang nilalang sa mundong ito ang hindi natin nakikita ngunit nararamdaman lamang. Ako rin ay naniniwala na merong taong kumakain ng laman ng tao at sila ay ang mga tinatawag na "Cannibals".

At sa aking sariling paniniwala, ang mga taong Cannibals ay hindi mga nilalang na nag-mumukhang tao lamang kapag araw at sa gabi sila ay nagiging halimaw. Ayon sa aking pag-babasa tungkol sa mga taong Cannibals, sila ay mga taong tulad din natin na normal nang sila'y isinilang, ngunit dahil sa epekto ng kapaligiran, karanasan sa buhay at iba pang impluwensiya na naka-apekto sa kanya, siya ay nag-kakaroon ng sakit na naging sanhi upang maging iba ang direksiyon ng kanyang pag-iisip.

Ang isang halimbawa ng taong cannibal ay ang tunay na kuwento tungkol kay Dr. Hannibal Lecter sa palabas na Silence of the Lambs, Red Dragon at Dr. Hannibal na ginampanan ng hollywood actor na si Anthony Hopkins. Ito ay mag-kasamang kathang isip at tunay na pang-yayari ngunit hindi purong kwento tungkol sa tunay na buhay ng taong cannibal na si Albert Fish.

Si Albert Fish ay isang matandang diborsiyo o iniwan ng asawa, ang kanyang mga anak na naiwan sa kanya ay napawalay na rin nang sila ay nag-sipag-asawa na. Marahil lungkot ang naging dahilan kaya siya ay nag-karoon ng sakit sa pag-iisip at naging sanhi upang siya ay maging adik sa laman ng tao, lalo na kung ito ay laman ng isang bata.

Ayon sa kuwento at pag-iimbestiga nang siya ay mahuli ng mga awtoridad, si Albert Fish alias Frank Howard ay nag-karoon ng isang kaibigan na sundalo na napadpad o nadestino sa bansang China noong panahon ng tag-gutom. Noong panahon na yun, merong isang kainan na ang kanilang panindang pag-kain ay laman ng mga tao at ang espesyal na menu ay ang laman ng mga bata edad 13 pababa. Ang kaibigan na ito noong umuwi sa America ay hinanap hanap ang kakaibang pag-kain na iyon. Kaya pinag-patuloy ang kanyang hilig sa pamamagitan ng pag-kidnap sa mga batang maliliit at pag-katapos sila ay kinakatay at niluluto.

Nag-kakilala ang dalawa nang sila'y mag-kita sa isang paupahang bahay na parehas nilang tinutuluyan. Inalok si Albert Fish ng kanyang bagong kaibigan ang pag-kain na iyon. Nang matikman ang niluto ay nagustuhan na rin ni Albert Fish ang pagkain at silang dalawa ay nag-tulong pa para mang-kidnap ng mga bata. Nang sila ay nag-kahiwalay, pinag-patuloy ni Albert Fish ang gawaing kriminal. Nag-palipat lipat siya ng maraming lugar upang siya ay hindi mabisto pag-katapos niyang gumawa ng krimen.

Ayon pa sa kanyang kuwento, naiisipan niya ring molestiyahin ang mga batang dinudukot at halos lahat ng kanyang dinudukot ay ang mga batang lalaki lamang. Ngunit ang naging dahilan upang siya ay mabisto at mahuli ay nang siya'y mang-dukot at bawian ng buhay ang batang babaeng biktima na si Gracie Budd.

Nang dahil sa tunay na pang-yayaring kuwento na ito, ako ay naniniwala na meron ngang "Asuwang" na kumakain ng laman ng tao at totoo nga na ang gustong-gusto niyang kainin ay ang laman ng mga munting bata. Pero ang mga "Asuwang" na ito ay hindi mga nilalang na mukhang demonyo, sila ay mga tao na may pag-iisip na tulad ng demonyo at halimaw. Sa palagay ko ang sinasabi ng aking lolo at ng mga matatanda na asuwang ay ang mga taong Cannibals, na hanggang ngayon ay meron pang gumagawa. Kaya sa aking palagay, ang katha tungkol sa Asuwang ay hindi dapat mawala upang maging babala laban sa mga taong cannibals na gumagala.

Maari ninyong basahin ang buong kuwento ni Albert Fish at ng iba pang cannibal sa website na ito
http://www.crimelibrary.com/serial_killers/notorious/fish/gracie_1.html?...
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Wed May 20, 2009 4:58 pm

napanood ko nga yan hanibal n yan,2 movie ata yan e,meron p ako napanood na movie kalimot ko lng title,bsta ung sinasakyan nilang plane nag crash sa bundok ng ice,tapos ang tagal ng rescue tapos kung sino ang unang mamatay sa lamig at gutom kinakain ng mga natitirang survivors pra mabuhay sila
Back to top Go down
YelLe
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Mon Jun 08, 2009 1:31 pm

naniniwala ako sa aswang.

Pero tingnan ko muna ulit yang hannibal na yan. lols

nakalimutan ko na ang story ei.

_________________
Back to top Go down
jonsdmur
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Naniniwala ako!   Sat Aug 15, 2009 12:11 pm

Naniniwala ako sa aswang. Noon, nabalita sa aming bayan na may isang nurse na aswang. napatunayan ito nang mahuli itong iniinom ang dugong isinasalin sa isang pasyente. ayon sa kanya, iniiwasan niya ang pumatay ng tao kaya ung mga donated na dugo ang iniinom niya para maibsan ang gutom niya...... sa takot ng mga tao, hinayaan na lamang siya at pinalipat sa ibang lalawigan....
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Sun Aug 16, 2009 8:26 pm

sa tingin nyo kampon b tlaga sila ng kasamaan? bkit prang sa kwento mo joms e mas pinipili nyang uminom n lng ng dinonate na dugo kesa pumatay cguro indi nmn cla 100% na pure evil tingin mo?
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Sat Sep 05, 2009 2:16 am

hmmm....

di talaga ako naniwala sa aswang

pero aaminin ko

takot ako sa mga kwento-kwentong ganyan.

hahayz!!!!.....

ala naman kasi akong nakitang aswang kaya

ang hirap maniwala..tsk..
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Tue Sep 08, 2009 1:01 pm

ay ako naniniwala sa aswang . . .kasi dun sa province namin eh may aswang tsaka may kilala kami na namatay ang baby nya dahil hinipo ng strange na lady ang tummy ng mother na yun . . then paglabas ng baby nya _ patay!
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Tue Sep 08, 2009 7:26 pm

tsk...wawa naman yung baby at yung nanay...hyz..

ba't naman kasi sya nagpahipo?

hyz...

naalala ko tuloy. kwento ng sister ko nung buntis pa sya

pumunta daw silang beach

tapos naglalakad-lakad daw sila nung isa ko pang sister.

tapos may nadaanan daw silang matandang lalaki.

grabe daw makatingin sa tiyan nya yung matanda. parang bombilya daw yung mata hahahaha...
sobrang talas eh...
tapos sabi pa nung isa ko pang sister na parang daw sinisimhot yung amoy nung sister ko na buntis. tapos para daw gustong sumunod sa kanila. kaya takbo daw sila...hahaha

ano sa palagay nyo? aswang kaya yun?...tsk...katakot naman..!! affraid
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Wed Sep 09, 2009 9:58 am

crazybsbfans wrote:
tsk...wawa naman yung baby at yung nanay...hyz..

ba't naman kasi sya nagpahipo?

hyz...

naalala ko tuloy. kwento ng sister ko nung buntis pa sya

pumunta daw silang beach

tapos naglalakad-lakad daw sila nung isa ko pang sister.

tapos may nadaanan daw silang matandang lalaki.

grabe daw makatingin sa tiyan nya yung matanda. parang bombilya daw yung mata hahahaha...
sobrang talas eh...
tapos sabi pa nung isa ko pang sister na parang daw sinisimhot yung amoy nung sister ko na buntis. tapos para daw gustong sumunod sa kanila. kaya takbo daw sila...hahaha

ano sa palagay nyo? aswang kaya yun?...tsk...katakot naman..!! affraid

siguro na-hipnotize yung mother kaya siya ngpahipo . . kawawa tlaga eh di sana dalawa ang anak nilang girl . . . Sad Sad
_ siguro aswang yung tanda,may taong bang ganun makatingin?? _ graveh naman ah!
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Wed Sep 09, 2009 8:18 pm

uu nga daw eh grabe daw makatingin

yung mata daw nung matanda nakakatakot.

tsk..

aswang nga yata yun..

hyz..

naman tong mundong to oh..

ba't kaya may mga ganoon at ganito..??

katakot eh.... affraid
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Thu Sep 10, 2009 12:22 pm

kasi mayron nagpapatakot kaya may mga
nananakot . . . gnun poh siguro yun kuya crazybsbfans
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Thu Sep 10, 2009 6:57 pm

ahhhhhhhhh

kuya na naman???

wahhhhhhhhhhh...


teka?? may alam ka bang website na pwedeng magbasa ng mga nakakatakot na wento?..


hyz...

nalimutan ko kasi yung complete link nung pinoy exchange...

hyz...
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Fri Sep 11, 2009 5:31 pm

ay cenxa na huh, crazybsbfans . . . .
ayaw muh nyan magalang akuh sa'yo . . .

ahmpF!
hihi...

lah akuh alam eh, itong malikmata site lang alam kuh , . .

search muh na lang poh,.
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Fri Sep 11, 2009 7:04 pm

hyz...


naman! wahaha...


sya, sya, mag search nalang akitch ng mga nakakatakot na wento..


hyz...!!!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: [b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]   Today at 9:30 pm

Back to top Go down
 
[b]NANINIWLA KBA SA ASUWANG...???[/b]
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: