Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 asawang atbp

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
loner boy
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: asawang atbp   Tue May 12, 2009 5:19 pm

di pa ako nag-aaral noon pero marami na akong nalalaman tungkol sa aswang kasi maraming kuwento dito ang mga kamag-anak ko.. di pa ako noon naniniwala na merong multo o aswang kasi 3 years old pa nga di ba..

pero nang dinala na ako sa general santos ng tita ko at doon tumira dun na ako nakaramdam at nakaita ng di tulad sa atin...sabi ng tita ko ang lola daw namin noon ay binibisita ng isang prinsipe maitim daw ito,maraming balahibo, matangkad at sabi pa ng tita ko matipuno raw ito..

gusto niyang isama ang lola ko sa kaharian daw nila.. sa likuran ng bahay na malapit sa ilog ( sa cebu pa po yun noon) pero pag sumasama daw ang tita ko wala daw silang makita ngunit nabibigla na lang sila na nawala na ang lola ko..

siguro dahil sa lapitin ang lola ko noon ay lapitin na rin ako..meron akong pinsan sa side ng mama ko pareho kaming naniniwala sa multo at aswang.. gabi noon.. nag-uusap kami tungkol sa aswang nang makarinig kami ng pag-ungol.. di ito aso ungol ito ng tao... tao na parang wala sa sarili dahil...napaka sakit sa tenga ang ungol nito at nakaka panindig balahibo..( 1st yun)

noong nagkasakit ang tita ko eh bumisita kami sa bahay nila....noong andun na kami biglang inatake ang tita ko ng sakit niya... gabi na noon kaya naman naka lock ang lahat ng pintuan..( kasi kunti lang ang nakatira sa area na yun kasi di pa masyado pinupuntahan ng tao)..sabi pa nga nila marami daw nakuhang mga bangkay doon ng tao... parang salvage area daw yun eh...

Nasa loob kami lahat ng bahay kaming mga bata ay di puwede makapasok.. bata pa ba ako noon parang 17 o 16 ata ako...basta..kaya naman nasa kabilang kuwarto kami sa kuwaro ng pinsan ko..maya-maya narinig namin sumigaw ang katulong ng tita ko...lumabas kaming mga bata at nakita namin na may mga yapak ng paa sa tiles at ang kulay nito ay pula...let say dugo talaga yun...

ang iba kung pinsan nagtakbuhan s loob kasi natakot...kaya naman pumasok ako at pina tahimik sila at binantayan ko an rin.. nilinisan na ng katulong yung mga lugar kung saan ay may apak ng paa..

maya-maya pagkalipas ng 30 minuto lumabas ang pinsan ko kaya siya ang nakaita una.. na may dugo sa kisame.. mga paa rin ito na may dugoi mean shape ng paa ha... mas natakot kami kasi kung iisipin paano yun mangyayari na di naman makakapasok dun ang isang tao...dahil naka lock ang pintuan at isa pa naasa kisame naito...

Kaya pinatulog na kaming lahat....mga 3 or 2 ng umaga nagising ako kasi ihing-ihi na ako..pumunta ako sa CR nakalimutan ko yung nangyari kaya di ako natakot... nang lumabas na ako narinig ko na may tumawag sa akin sa kabilang kuwarto kung saan natutulog ang ate ko.. at mga anak niya ng pumasok ako nakita ko na tulog ang lahat kaya naman lumabas naako at pinatay ko ang ilaw kasi di ito nakapatay .. ng humarap na ako sa salamin nakita ko ang isang babae...naka puti na dumaan sa likuran ko galing sa kuwarto ng ate ko pa punta sa CR akala ko ate ko kay lumapit ako sa CR at kumatok walang sumasagot at naka lock..maya-maya na bigla ako kasi nakita ko ang ate ko lumabas ng kuwaro at tanong pa niya ano daw ginagawa ko... sabi ko sa kanya na akala ko siya yung nakita ko na pumasok sa CR at sinabi ko rin na naka lock ang pintuan ng CR.. lumapit ang ate ko hahawakan niya na sana ang hawakan ng CR ng bumukas ito mag-isa..


garutti:
Natakot ako at ang ate ko sa biglang pagbukas ng pintuan ng CR..pero nilakasan ko ang loob ko..kasi lalake ako..pumasok ako at tiningnan ang CR..maya-maya ay may boses na nagsalita.. at sabing "tabangi ko" bisaya po yun or ilonggo ata..

na ang ibig sabihin ay " tulungan mo ako" natakot kami ng ate ko kaya tumakbo ang ate ko sa loob ng kuwarto ako naman tumakbo rin... yung pintuan ng kuwarto namin ay nakaharap sa isa pang pintuan at sa side nito na naka harap sa sala ay malaking salamin....kung saan ko nakita yung babae... pagkatakbo ko'y di ko napigilan na tumingin sa salamin at nasindak ako sa nakita ko halos kapusin ako ng hangin... kasi babaeng namumula ang mata,duguan at para bang pinahirapan ng husto...tumingin lang ito sa akin ng diretso... natakot ako kaya pumasok na ako ka agad.....matagal na yung nangyari noong last year pa...

ngunit nitong nakaraang october meron na naman akong na engkuwentro ngunit ang isang ito.. ay nakita ko sa di pamilyadong lugar i mean bago lang sa akin.. sa Bawing... scout area yun.. doon palagi nag kakaroon ng city wide jamborree...kaya naman bago ito sa mga bago lang naka punta doon... well 3 times na ako naka punta doon..pero ala naman me panahon para maglibot kaya parang bago rin sa akin...

Unang gabi namin noon ang camp namin ay nasa mataas na bahagi ng camp site di naman malayo sa grand arena ilang lakad lang naman... sa likuran ng camp namin ay isang malaking puno ng balite.... doon ang tambayan namin... Unang gabi namin ay kuwentong kababalaghan kaagad ang topic kaya naman tinatakot namin yung mga kasama namin...pero di namin alam may nakikinig pala..ewan basta... kasi ng tumingin kami sa may puno ng balite may nakita kaming bata na maliit...mga singlaki siguro ng 2 or 3 year old na bata.. di ako ang una na nakakita kundi yung kasama ko...napansin ko lang yun ng panay na ang kanyang pangangalabit sa akin....

nakita ko yung bata parang di tulad sa atin kasi ang tenga nito ay pahaba parang duwende ba... natakot kami pero wala ni isa ang sumigaw... tumayo ako agad na di na mamalayan na may kahoy sa uluhan ko tumama ang ulo ko rito.. napa aray ako ng malaks siguro natakot ang bata kaya naman nagtago ito sa puno... ng lapitan namin nakita naming tumakbo at tumalon sa may bakod.. mataas yung bakod kaya naisip namin na di talaga yun tulad sa amin..

gumawa kami ng CR sa likod ng camp malapit sa puno ng balite..alang natatakot sa amin kahit na may nangyari na nakababalaghan..... mag ilang araw ang lumipas nagkaroon ng labanan... tungkol ito sa drama na ang topic ay " one world one promise" lahat kami ay handa na sa laban di pa naman yun grand camp fire.. pipiliin pa lang ang makakapasok...

ako ang gumawa ng topic namin..kasi yan ang gusto ko..ako ang nagturo..kaya naman nag praktis ang mga kasama ko....pumunta ako sa CR para umihi... gabi na noon.. mga alas otso na ata... may dala akong flash light para makita ko yung dinadaanan ko... ng nasa loob na akong CR may biglang dumaan sa likuran ko... di ko ito nakita pero ramdam ko na may dumaan natakot ako kasi para bang pag lumabas ako sa cr may biglang hahablot sa akin...

kaya naman naghintay ako ng ilang sandali mabuti na lang at may nagpapatrol na mga sundalo at pulis.. narinig ko ang mga ito kaya lumabas ako agad mga dalawang metro ang layo nila sa akin..ang lapit di ba?..

di pa doon natapos yun...nang grand camp fires night na namin.. ay nagsipaghanda kaming lahat...naka ready na kasi nakuha kami... ang name ng school namin ang tinawag... kaya masaya kami..kaya naman pinaghandaan talaga namin... 7 pa magsisimula ang program... kaya naman 5:30 pa lang ay nag praktis na kami .... sa isang beach resort kami nag praktis sponsor yun ng scout alam ko na ang lahat ng gagawin ko kaya naman sinabi ko na mauuna na ako...at para maayos ko ang iba pang kailangan at para malaman ko rin kung may mga nagbago sa program...di naman sila takot na di ako maka pagpraktis isa pa tinuring ako ni Sir Luod na best actor daw,...hahahaha...

kasama ko si Darwen ng umuwi malayo ang nilakad namin masasabi kong halos 40 minutes ang lalakarin namin kasi naman di kami puwede ihatid...well puwede naman pero sayang sa gasolina isa pa mahal ata.... kayanaglakad kaming dalawa di kami takot kasi may check point naman sa highway pa lang...pero kung iisipin ang papasok ay wala ng check point ang next check point ay nasa itaas pa malapit sa grand arena...suwerte na lang if may makakasabay kami na sundalo o ibang scout sa ibang school...pero wala imbes ay may nakasabay kaming babae na naka itim... na pansin ko na naka itim ito lahat at di tumitingin sa amin nagtanong ako ng oras di sumagot ang babae kaya sabi ko kay Darwen na unahan nami nyung babae... naunahan na nga namin mga 10 hanggang 15 metro ang layo namin sa kanya...maya-maya ay tumingin ako ulit ng tingnan ko ito wala na siya ...kaya tinanong ko ang kasama ko tumingin kami ulit at wala talaga...pagtingin namin sa harap andun na siya...nabigla kami...paano siya nauna...pero di kami natakot... na takot lang kami ng mapansin ni Darwen na lumulutang ang babae... tumakbo kami ng mabilis dinaanan pa namin siya...maya-maya nabigla kami kasi... imbes nasa itaas kami na kami ay bigla kaming nabalik sa tabi ng dagat kung saan ay nakikita namin sa malayo yung resort na pinag praktisan namin mga 10 minuto kung tatakbuhin namin yun... di sana kami tatakbo ngunit biglang lumitaw ang isang kubo nawala naman dun nang una naming napansin ang lugar... parang may tao sa loob ngunit sira-sira na ito... bigla namin nakita ang isang maitim na hugis tao dumungaw sa bintana... sa takot namin ay nagtakbuhan kami papunta doon sa resort may jungle knife ako kaya pinutol ko ang mga sangang bumabangga sa amin habang si Darwen ay sumusunod sa akin...pagdating namin sa resort bigla kaming nahilo...mga ilang segundo siguro at ng tumingin na kami ay nasa check point na kami at laking tuwa ng titser namin ng dumating kami..kasi may nangyari pala nagkaroon ng hostage drama malapit sa camp namin pero wala daw kami dapat katakotan kasi may mga tanke ang inilagay sa aming camp at bantay sarado ang campsite kahit mga bisita that time ay di muna pina labas dahil delikado.. kaya naman kinuwento ko ito sa titser namin at sabi ng titser namin na may nangyari na daw nito... ngunit nangyari daw yun sa isang patrol talaga ng scout puro pa nga raw babae mga roverrets....

kaya labis ang tuwa at pasasalamat namin.. na nakauwi kami di ko nga namalayan na nasugatan ko ang sarili ko di naman malaki maliit lang naman..

ivan:
bata ba ako nun cguro mga 2 grade palang ako at kinuhan ako ng lolo ko at di nala sa probinsya para dun muna mag aral.. gabi na kami dunating at nung nasa bahay nakami ang sabi ng lolo koay may bisista raw ako mamaya bago matulog(nag taka ako kakadating ko lang walng kilala at may bibisita agad sakin?) mag hahaing gabi na hinde paka mi tulog kasi akko ay na mamahay kaya hinde parin sila na kakatulog but naka higa na kami masaya ang kwentuhan namin ng bilang meron kami lahat na narinig mula sa labas ng bahay na malakas ng huni ng asawang (wak wak ) pa ulit ulit cyang humuni ng marinig ku un huni na un talagang hinde ako na ka kilos sa kina lalagyan ko niyakap alng ako ng lola ko dahil na nginginig na ako sa takot talagang nakaka kilabot ang huni ng wak wak... bigla nlang lumabas ang lolo ko na may dalang paputok at nag papautok ng ilang ulit at sumigaw na pag ginalaw mo ang apo ko ay hinde ka sisikatan ng araw dahil kilala kanamin....dun ako lang long natako kilala para nila ang aswang sa lugar namin...

PERWISYO:
Capiz ang sikat n lugar pagtungkol dyan ang pinagusapan. doon s mag taga capiz makakakuha ng mga istorya. dami sabi2 s lugar n iyan eh. pati mga pang kontra dyan din daw kinukuha s lugar n iyan...

affraid affraid lol! lol! lol!
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: asawang atbp   Thu May 21, 2009 2:01 pm

uu capiz,antique at iloilo, sa visayas nga mas madaming kwento kwento kumpara sa luzon at mindanao e,jan daw kc nag originate tlaga mga sinaunang aswang
Back to top Go down
seDusa
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Re: asawang atbp   Fri May 22, 2009 10:27 am

uu tama n_n taga ilo-ilo kasi side ng mama ko kaia pagnagbabakasyon mga pinsan ko dito sa laguna ang daming kwento di muubusan...
Back to top Go down
loner boy
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Re: asawang atbp   Sun May 24, 2009 6:58 pm

ala na po ba kaung balita kay black witch...nkita ko sya sa pinoy exchange...don na ata cya tumatambay... Arrow Basketball bounce
Back to top Go down
blackwitch
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: asawang atbp   Sun May 31, 2009 11:33 pm

whahahaa i miss u guys... im back ....

marami lang ako ginawa kaya hindi ako nakabisita dito...


nakakatakot naman mga experince mo loner.... uu tama ka samin ang pinakamaraming kwento, kakatakotan,kakabalaghan. sa tingin ko lahat na ata ng paranormal nandun na sa lugar namin...
Back to top Go down
blackwitch
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: asawang atbp   Sun May 31, 2009 11:44 pm

may panuod akong isang dukyo ni jay taruc ang title ay panay de motor.. inikot nila ang buong panay gamit ang motor lang ang unang destinasyon ang capiz to prove daw na may aswang nga sa lugar bumili muna sila ng panguntra kung sakaling maykaharap silang aswang, ang nabili nila ung lana o oil sa buti bubula un kapag may aswang o anu mang elemento sa paligid nila at nangyari nga ung magpapahinga na sila sa tabi ng isang ilog sa bandang panit-an,capiz. at ito ung llink ng dukyo.

http://www.pinoychannel.tv/watch/v-143364?title=PANAY%20DE%20MOTOR%20-%20BEST%20OF%20JAY%20TARUC
Back to top Go down
YelLe
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: asawang atbp   Mon Jun 29, 2009 9:53 am

yun nnaman pala, busy lang. hehehe

hmmm,,, titingnan ko nga rin yang docu na yan. Link ba yan ng docu na yan?

_________________
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: asawang atbp   Tue Oct 13, 2009 4:03 am

ang galing naman...

hindi ako naniniwala sa awang

pero takot ako sa mga kwentong ganyan..

haruuu...gulo kio talaga hehe... lol!
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: asawang atbp   Fri Dec 11, 2009 10:58 am

maniwala ka na sa aswang ate dahil aswang ang presidente natin ngayon haha
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: asawang atbp   Today at 9:29 pm

Back to top Go down
 
asawang atbp
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: