Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 Ang bata sa bahay..

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
buttercup
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Ang bata sa bahay..   Fri Jul 27, 2012 12:32 am

College ako nun,kasali sa isang org ng school namin na nagtuturo sa mga batang hindi pa marunong mag basa,at mag-sulat sa mga liblib na lugar..kahit bakasyon hindi natatapos ang program namin,mas lalo kaming active dahil mas may sapat kaming oras para gawin yun,,pero sem break namin ng 2005, ng mag decide ang group na pumunta sa isang liblib na lugar ng tanay rizal para dun gawin ang programa..taliwas sa dapat tuwing summer lang..nang maayos na ang lahat pakikipag-ugnayan sa mga barangay para gabayan kami habang nasa lugar.tumahak na kami umaga ng huwebes ng taon na yun.narating namin ang lugar ng lagpas tanghaliaan na,at sobra kaming na excite sa nakita namin napakangadang lugar,mga ilog ang bundok,di ko alam na may ganun kagandang lugar sa lib lib na lugar na yun, ang daming batang sumalubong samin,may bata na pumukaw sa atensyon ko ng mag hapon na yun,hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba sa kanya.nang sumapit ang hapon pinakilala na kami sa mga pamilya na kakalinga samin ng 15 days habang andun kami sa sitio.excited ako kasi mabait ang napuntahan kong pamilya,may isang anak na babae at anak na lalake sila,ang babaeng anak malambing sakin,nasa 9 yrs. old palng sya nun.ang kapatid na lalake nasa bayan daw kaya hindi ko pa sya na meet nun araw na yun,nang umuwi na kami sa bahay nila.isang tipikal na bahay na makikita mo sa probinsya,sa sobrang pagod ko siguro sa mag hapon,maaga palang nakatulog na ako.katabi ko si____.malambing ang batang yun kaya gaan kaagad ng loob ko sa pamilya,ng hating gabi na naalimpungatan ako,tumayo ako para pumunta ng cr.dahil walang ilaw ang mga bahay,dinala ko ang kandila na nakalagay sa lamesa,kelangan ko pa kasing bumaba ng hagdan para pumunta ng cr malapit sa kusina.ng nasa pinto nko labas ng kwarto,may nakita akong batang nakaupo sa ibabang baytang ng hagdan,naisip ko baka sya yun batang lalake na anak din nila ng nanay -nanayan ko,tinanung ko sya bakit di pa siya natutulog,hating gabi na,di nya ako nilingon,sbrang antok pa kaya dumeretso nko sa cr,pag labas ko wala na sya,,di ko nalang pansin,tumuloy nko sa kwarto at natulog uli,mga ilang araw lumipas talgang naeenjoy ko na ang lugar at pagtuturo mababait mga tao at mga bata,pag sapit ng alas dyes ng gabi may curfew ang mga bata kya tahimik na ang lugar bukod sa madilim,nang isasara ko na ang bintana ng kwarto nakita ko uli ang batang lalaki sa tapat ng bahay naka tayo sya di ko lam kun san nakatingin,tinawag ko sya,para pumasok na bawal na ang bata sa ganunng oras,muli dinya ako pinansin,sabi ko bukas gagawa ako paraan para mapalapit sakin ang supladong batang yun, .kinabukasan nagicing ako sa katok ,ginigicing n ako para kumain ng almusal,napabalikwas ako sa pagkakahiga kasi dapat ay maaga ako makapunta sa barangay para sa meeting namin dun kami mgtatagpo tagpo lahat.nagulat nalang ako nasa gilid ng higaan ang batang nakita ko ng gabi sa hagdan,naka tayo sya sa tapat ng bintana naka tanaw sa labas,tumayo ako at lumabas tinawag ko sya para sumunod pero di nya ako uli pinapansin,,ng nasa hapag na kami ,kwentuhan,naalala ko ang bata sa kwarto,sabi ko pupuntahan ko lng po si ___.para makakain nrin, nakatingin lng sila sa akin,tumayo ako para pumunta sa kwarto,pag bukas ko pinto naka tayo n sya sa harap ko kaya nagulat ako,sabi ko kakain na kami ,di diya ako kinikibo,matagal kaming ganun,kaya ngumiti nalang ako,sabi ko sunod nalng sya baka hanapin sya ng nanay nya.pagbalik ko sa kusina,may bisita ng kausap sila nanay,ang pag tataka ko nang pinakilala sakin,yun daw ang anak nilang lalake na nasa bayan,mga 12 yrs old lang magiliw sya,kaya nagtanung ako kun sino yun batang lalake mga 8 or 9 yrs old n n kasama namin,nagtataka sila kasi 3 lang daw sila nang dumating ako kasi nasa bayan panganay nilang anak,ngayn dumating na,,napatingin ako sa hagadan papuntang pinto ng kwarto at hilakbot ko ng makita ko ang kalahati ng katawan nya na nkasilip sa pinto at naka tingin sa akin,.dun kinuwento sakin ng pamilya na may bata nga na nakikita na pumapasok sa bahay nila.at nakasanayan na nila ang kwentong ganun,kasi di naman daw nila nakikita.simula nun pinipilit ko ng pigilan ang sarili kong tumakbo tuwing masasalubong ko sya sa bahay o makikitang nakatayo sa dadaanan at higaan ko,gang sumapit ang pag alis namin sa lugar na yun,dun lng ako nakatulog at nakhinga ng maluwag.pero nilagnat ako.til now misteryo parin ang batang lalake sa bahay na yun,at kung ano talaga ang nangyari sa kanya.
Back to top Go down
 
Ang bata sa bahay..
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Desh Ki Beta Nandini - 28th February 2014 - Written Update
» Eye of the beholder: The Examination [Story]
» E24- Shuru Hui Anshuman Pakhi Ki Prem Kahani 18 eb 2
» Khudaya-the song played today--10th April-Beintehaa
» Dooriyan.....lines of separation!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: