Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 patawad

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
tarishky
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: patawad   Wed Feb 08, 2012 10:12 pm

CHAPTER 1:

Taong 2000 ang saya namin ng best friend ko, tumatakbo kami sa corridor ng school namin para makarating sa isang department upang makuha ang toga namin. At last graduating na tayo! Basta ako mag dodoktor ako besty! Doktor talaga ang gusto kong maging propesyon kahit noon pa man, ako si Nadine sabi nila marami daw galit sakin sa school namin na babae kasi daw ang mga crush nila sakin umaaligid, di ko naman siguro kasalanan kung gustuhin nila ako. Si besty ko, sya si Mhelai , hay super friends na kami since gradeschool. Kaso eto na nga mukang maghihiwalay na kami ng landas sa Kolehiyo Ibig kong sabihin di na kami laging magkakasama araw araw. Si besty mahinhin at pinopormahan din sa angkin nyang kayumian.

Sa Canteen pagkakuha ng Toga:
Mhelai: "ikaw talaga Nadine! Basta ako kelangan kong makapasa sa Scholarship para makapag nursing ako"
Nadine: Eh sabi ko naman sayo diba, di mo na kelangan kumuha ng exam pasok ka na, si Mommy ang nag aadminister non diba..
Mhelai: Eh nakakahiya parin kay Tita, I will still try my best para pakita sa kanya na kaya ko ipasa ang test at di porket friend mo ko eh pasok na agad Smile
Nadine: Ikaw bahala, di ka kasi gumaya sakin.
Mhelai: Gumaya na ano? na laging nakukuha gusto? hay naku besty grow up. Mag sanay sanay ka nag magbanat ng buto di forever anjan si Tita ikaw talaga.

Yan si Mhelai mataas ang pride, lagi nya pinamumukha sakin na lahat nakukuha ko porket mayaman ang aking mga magulang, gusto ko din naman dumating ang panahon na ipakita kay
Mhelai na paghihirapan ko kung may isang bagay man akong gugustuhin this time.

Palabas ng school :
Beep beep!!!
Nadine: OOpps besty anjan na si manong sabay ka na hatid ka namin sa bahay nyo.
Mhelai: okay sige,lagi nyo naman ako kasabay diba hahaha..
Nadine: Oh sya nga pala ano gagawin mo after ng graduation?Ako kasi baka mag vacation muna, di muna ako mag susummer school, sa june na ko mag eenroll college na tayo yehey!
Mhelai: Oo nga eh, pwede bang sumama with Levi?
Nadine: AHMM sure.. si Levi lang pala eh...
Mhelai: Bakit ba wala ka pang boyfriend? Dami naman umaaligid sayo. Bakit wala ka mapili ni isa sa kanila? Kaya ako nung una ko palang nakita si Levi diba sabi ko sayo crush na crush ko sya, at ipagdarasal ko talaga na magustuhan nya ko, talagang sasama ang loob ko kung isa sa classmate naten ang magiging GF nya.. At buti naman wala ni isa sa kanila, buti di rin sya nagkagusto sayo Nadine. Hay di ko yata alam mararamdaman ko sayo kung sya ang nakatipo sayo, at kung naging kayo hay for sure baka di na kita imikan sa sama ng loob ko hahaha..

Bigla nalang ako natahimik, di ko akalain na sobra ang pagkagusto nya kay Levi at kahit ako eh kakasamaan nya ng loob kung ako nagustuhan nya. hay grabe naman yun bestfriend ko pa mandin sya. Pero buti nalang naging sila ni Levi, at mahal ko Besty ko. Eto na summer na!! Pumunta kami sa Palawan , ang saya halos 2 months din kami doon, pasyal dito pasyal don at walang humpay na kwentuhan. Apat kami na magkakasama,ang isa ko pang friend na medyo may pagkamaldita na si Shell, family friend namin ang family ni Shell, mejo di sila close na Mhelai kasi naging close kami ni Shell kapag may gatherings ang family dahil kumpare ni Daddy ang Daddy nya, Si Levi na 6 months ng Boyfriend ni Mhelai , si Mhelai at ako. Bonfire sa gabi, swimming sa umaga. Kain dito kain don. Sarap ng bonding. Pinipilit kong maging close si shell at si Mhelai, nag iimikan naman sila kahit papano pero talaga lang sigurong mapili sa kaibigan tong si Shell. Panay parin ang Pag susuplada nya kay Mhelai, pero enjoy parin naman ang lahat.
Back to top Go down
 
patawad
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: