Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 May Multo sa Bahay!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Revolt_Kyzmi
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: May Multo sa Bahay!   Fri Nov 04, 2011 10:11 pm

Ok.....

So gusto ko lang ito i share sa inyong lahat...

It's about our house na nirentahan noon...
Well, at first glance palang nakakatakot na cya..
Pero, I don't really expected it to be na mayroon nga..

Yung story nun kasi nagstart nung mga 17th day na nakatira na kami dun...
Dalawa pala ang CR doon, so I use the left one kasi feeling ko may something sa right CR...
Napatunayan ko lang cya one time nung nag Urinate ako nun sa CR (LEFT)..
And all of a sudden, may narinig akong may nag fflush dun sa inidoro dun sa right CR... Ehh... Dalawa lang kami nun nang yaya namin sa haus... Nanonood yung yaya ko ng TV...
After ko mag urinate, tinignan ko yung CR (RIGHT), wala namang tao...
Tinanung ko yung yaya namin sabi nya nandun lang daw cya sa sala nanonood ng TV...
So natakot ako.. Kya madalang nalang gamitin yung right CR...

Na experience na rin yun ng mama ko... One time din nung gumagamit cya ng CR... May nag flush daw sa kabilang CR... Sa takot nya lumabas cya ng CR(LEFT) at binato nya ng sapatos yung CR(RIGHT)... It's 12:30 na yun nung nangyari.... Nasa taas kami natutulog pero narinig namin yung pagbabato ng mama ko...

Then one time din nung ako lang mag-isa sa haus... May sakit ako nun... Nanood lang ako ng TV sa haus.... Actually, hapon yun naganap pero every hapon tlaga cya nangyayari...
May naririnig akong footsteps sa second floor ng haus namin (second floor lang namin ay kahoy so maririnig ko yung mga yapak ng paa).. Ehh wala namang tao sa taas dahil ako lang mag-isa.... Masakit pa yung ulo ko noon... Pero pinilit ko pumunta sa office ng mama ko sa sobrang takot... And take note, pabalik balik lang yung footsteps..

Then, may one time din na nung naputulan kami ng telephone, then after that na shock kami ng kapatid ko... Kasi biglang nag ring yung telephone, ehh alam ko na na cut na yung line namin... So ako naman si usisero, inangat ko yung phone, tapos nilapat ko sa tenga ko (actually, takot ako non, per maaraw naman nung time na yun), walang sumagot, tapos yung line nya parang may buzzing sound na hindi ko maintindihan.... So binaba ko yung phone... Takbo naman ako sa labas ng bahay...

Then, nung nag rereview ako nun para sa exam (1st year HS palang ako nun at that time), nagrereview ako nun sa taas, may TV rin sa itaas namin, dinala ko yung DVD player sa taas para makinig ng sounds.... Then, manood ng movies after.... Then, nung nagpapatugtog ako ng sounds... Nagrereview ako ng nakahiga... Meron isang kwarto sa itaas na hindi pinapa bukas ng may-ari samin.... Hindi ko alam kung bakit... Pero may napansin ako sa itaas ng kwarto na nakasara,( may rehas kasi na kahoy sa itaas ng pinto) so nung tumingin ako dun, na shock ako, may umuusok sa loob ng kwarto.... Tapos may nakita pa ako ng mga hugis CROSS na guhit sa gilid gilid.... Kala ko nasusunog sa loob, ehh wala palang tao dun.... Parang may tao sa loob na bumubuga ng usok... Parang nag yoyosi.... Sa takot ko, pinatay ko yung TV and DVD... Iniwan ko yung books and notes ko at bumababa ako....

Then, na confirm ko pala sa place namin... Knuwento kasi ng classmate ko na ka barangay ko lang....
Dating ilog pala yung place na tinikirikan ng haus namin...
At meron daw noong sinaunang panahon pa... Cguro nung panahon daw ng hapon, dun daw sa barangay namin, dun daw itinatapon yung mga patay.... affraid affraid affraid

Hai nakooo.... buti nalang at nakalayas na kami sa bahay na yun... Hindi na rin kasi na take ng mama ko yung mga ganun ehh....
Marami pa akong naramdaman don... Pero hindi ko na to papahabain.... Very Happy
Back to top Go down
 
May Multo sa Bahay!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: