Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 May Third eye ang anak ko....

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
lyrejlady1976
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: May Third eye ang anak ko....   Sat Jun 05, 2010 6:13 pm

Hindi ko akalain na ma-experience ko ang lahat ng ito. Normal ko naman ipinagbuntis ang anak ko. Ang kakaiba lang sa kanya ay super likot nya sa tyan ko, saka naniniwala kase ako na pag kinakauusap daw ang baby sa loob ng tyan ay nagiging matalino. So ako basa ako ng basa ng libro, mga short stories, nakakatuwa at super natural na din. Favorite ko basahin ang pugad baboy. Naging totally pregnant reader talaga ako kase bed ridden ako, gusto kase nya(nung anak ko na lumabas na agad) kaya ang ending pinag bed rest talaga ako.

Nung, I gave birth to my son, he was so healthy, saka may takip daw na parang plastic ang ulo nya. At super cute ng anak ko seyempre naman ako yata ang ina (lols) at habang nalaki sya. Nag 3 mons sya, inde naming sya mailapag pag tulog, kase mag iiyak na siya ng walang tigil na para bang may kinatatakutan, sabi ng mother ko baka may kabag daw. Kaya ang gagawin ko pabu-burp ko sya, tapos makakatulog na sya, at hahayaan ko na siyang makatulog at wala na akong nagagawa kundi bantayan ang anak ko, buti nga at sa bahay ng magulang ko pa kami nakatira ng asawa ko. Laging ganon, inde ko sya maibaba pag tulog na tapos sa gabi naman ay lagi siyang gising. Natigil lang yon nang lumipat kami ng house sa Calamba, Laguna. Naging ok ang anak ko don naibaba ko sa sya sa duyan habang siya ay tulog hanggang sa mag one year old na siya.

Until bumalik ulit kami dito sa san Pablo, mag 2 years old na siya, at ganun na ulit ang nangyari and this time nag sasalita na sya, at sinasabi nya sakin na “mama mimaw…mimaw (means halimaw, may monster daw) itinuturo nya ang likudan ko nadon kami sa likod bahay naming, marami dong puno, lanzones, langka, santol, mangga at marami pang iba. Sa puno ng santol lagi siyang nakatingin at sinasabi nya may mimaw daw doon. Pero hindi ko yon pinapansin kase sabi nga ang bata ay talagang may kakulitang taglay. Hanggang mag 3 years old na siya, nag lalaro sila ng kanyang papa ng baril-barilan, nag tago ang papa nya sa likod ng punong santol, binaril sya kunyari ng anak ko. Tapos sumunod yung anak ko naman ang nag tago sa likod ng puno ng santol. Nung medyo hapon na ay dumaing ang anak ko na masakit ang kanyang paa. At hindi na siya nakalakad, dinala naming siya sa mang-gagamot na sinasapian ng Santo Niño, ang sabi kanatuwaan daw ng nuno, at para lang siyang nagdahilan, nakalakad na muli ang anak ko. Hindi na naming siya pinapupunta sa likod bahay naming, kase matabil daw ang anak ko kaya kinatutuwaan siya.
Super makwento talaga ang anak ko, at saka marami ang natutuwa sa kanya. Marunong kase makipag usap sa tao I mean hindi siya nahihiya, ma PR sabi nga ng iba, mana sa kanyang ama na palabati.

Nang mag kinder ang anak ko ay nilagnat siya ng mataas, at nag suka siya. May parang kinatatakutan siya, nalaman ko na lang na naglaro pala ulet siya sa likod bahay pinatuka daw niya ang alaga niyang manok na si Plouni. Dinala ulet namin siya sa manggagamot at sabi ay nabati naman daw, pero may galaw din, kaya hindi na talaga naming siya pinapayagan na pumunta sa likod bahay naming, ang house kase naming ay malapit sa creek or bangbang ang tawag, kaya marami daw duong lamang lupa na nakatira na hindi naman naming nakikita. Pero ang kakaiba dito ay nakikita daw ng anak ko. Hindi ako naniniwala kase hindi naman nag sasabi ang anak ko at wala siyang nakukwento sa kin.

Hanggang sa mag grade one siya, ay nilagnat na naman siya ng mataas pero every after noon lang, bale one month siyang hindi nakapasok sa school, at may nag suggest na dalhin naming sa espiritista, at ang findings ng medium ay may third eye daw ang anak ko, pinag pagkwento ang anak ko kung ano ang nakikita niya at sinabi niya na may nakikita siyang maliliit na tao, mga ten daw lahat, at sing taas lang hanggang tuhod niya, color black daw at tapos red ang mata. Bukas daw ang third eye ng anak ko at totoo ang sinabi niya dahil yung isa daw ay kasama naming imagine may kasama pala kami nuno. Naalala ko pa one time nung nag punta kami sa manggagamot ang hiling ng anak ko ay huwag na hilutin ang likod niya kase magaling na. kaya pala ganon ay nakababa daw ang nuno sa likod ng anak ko. Simula noon ay parang naging active ang third eye ng anak ko, pag may lagnat siya ay para bang may nahawak sa paa nya kase pinapalis na niya na para bang may na hawak dito. Binigyan ng pangontra ang anak para hindi lapitan ng nuno, para siyang baby na may itinuturok na red sa damit niya. May suot din lagi siyang rosary. At minsan gusto niyang tanggalin ang rosary kase hindi daw siya makahinga, sabi lang naming ay mag dasal siya at humingi ng tulong kay Papa Jesus, mabuti at nakikinig siya sa amin.
Sabi ng Espiritista mawawala daw naman ang third eye or naisasara pag nag seven years old na ang aking anak.buti malapit na siyang mag seven 2 months na lang naman.
Pero nakakakilabot ang mga experiences niya. Sa bahay ng tita ko ay nakita niyang ang 2 matanda na namatay na, na umaakyat daw ng hagdan, at tinanong niya ang pinsan ko kung sino yong 2 matanda na umakyat as if wala naman talaga yong 2 matanda. Natakot ang pinsan ko at nag kwento na may nakita daw ang anak ko na matanda. Sa kwento ng anak ko ay iyon ang namatay na lola ng pinsan ko, at nag kwento din ako sa pinsan ko na may third eye ang anak ko. Natakot tuloy sila.

At mismong sa bahay naming ay nakita daw siyang babae na nakaputi na lumanpas daw sa bintana naming, e may bakal kaya ang bintana naming. Takbo ang anak ko palapit sakin kung nakita ko daw ung babae kase papunta daw sakin. Kinalabutan tuloy ako at hindi na ako nag laba. And nalaman na lang naming na namatay na pala ang lola ko na nasa Manila. At ang nakita niya ay ang shilloute ng lola ko kase maliit daw na matandang babae. May instances din na sabi niya ang lolo daw niya ang paru-paro na lilipad sa bahay naming (patay na kase ang father ko) kinakausap niya palagi ang paru-paro. At hindi siya makapag-isa sa pag ihi, pag punta sa kusina, at kahit may araw ay kailangan may kasama siya sa bahay, natatakot daw siya, bigla-bigla may napasok daw na tao kahit nakasara ang pinto. Ni minsan ay wala naman akong nakikita pero sa totoo lang ay natatakot ako pag malikot ang mga mata ng anak ko. At sabi ko na lang hindi totoo ang mga nakikita mo effect lang yong ng mga napapanood sa TV. At sa totoo lang gustong-gusto niyang manood ng katatakutan e matatakutin naman siya. Favorite niya ang midnight DJ, momay, may darling aswang at saka momoo and me.
Ngayon naman, nakalimutan na namin na kinatutuwaan siya ng mga lamang lupa kaya pinapayagan ko na siyang mag patuka ng alaga niyang manok, at just recently Masaya siyang nagkwento sa akin na ang dami natuka ng alaga niyang manok, at kahapon ay masakit daw ang kanyang tiyang akala ko may kabag lang siya, kaya pinainom ko siya ng gatas, hindi siya makanali, at hiniling niya na dalhin ko daw siya sa lola niyang may powers, (ang matandang sinasapian) dinala ko nga siya doon ay nalaman namin nag nakatuwaan na naman siya. 3 days ulet siyang gagamutin, MAbuti na lang at may nakakaalam kung paano pagagalingin ang aking anak. Basta nilagnat ang anak ko ay hindi ko muna dinadala sa doctor sa mang-gagamot muna. Kase ang father ko ay “nagalaw” din kaya lang dinala namin sa doctor at naturukan siya, kaya nagalit daw yung lamang lupa na nakagalaw sa kanya, namatay ang father ko na wala naman nakitang sakit ang mga doctor. Ang naging findings nila ay heart attack daw. Pero sabi ng mang-gagamot ay naturukan daw kaya hindi na gumaling. Nagalit ng tuluyan ang nuno, wala makapag patunay, pero bakit wala naman makitang sakit ang mga doctor.

Until now, may third eye pa din ang anak ko, wait ko na lang na mag August na ng sa gayon ay madala namin sa medium para maisara ang third eye niya. At syempre nanalangin din ako sa Panginoong Diyos na gabayan ako at aking anak, ang aming pamilya na malampasan ang pagsubok na ito.
Back to top Go down
mxlamorphine
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: San Pablo? yey!   Wed Sep 08, 2010 4:08 pm

Tga San Pablo din po ako. Npka interesting nman po ng story nyo.
Sna magsara n nga.
Back to top Go down
 
May Third eye ang anak ko....
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Anzo-sama GFX Shop!
» Meet Pragya and Bulbul : Kumkum Bhagya sisters
» Jodha Akbar---Written Update--18th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: