Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 Tulay

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
heehee_20
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Tulay   Fri Apr 09, 2010 4:50 pm

Ang kwentong ito ay naikwento lang sakin ng aking lolo ngunit napatunayan ko sa pamamagitan ng pagtatanong sa aking mga kamag anak na nakatira malapit sa nasabing tulay. Heto ang kwento niya...

"Hoy! Lakad na!" sabi ni Berting na galit na galit sa kanyang sinasakyang kalabaw. "Tinopak na naman ata tong kalabaw ko..." nasabi ni Berting sabay kamot sa ulo. Bumaba si Berting sa kalabaw nang mapagtanto na ayaw talaga gumalaw ng kalabaw niya. "Anak ng putakte naman o!" naisigaw ni Berting sa init ng ulo. Makaraan ang ilang minuto ay napagalaw niya ang kalabaw. Tinahak na nila ang makahoy na daanan papunta sa kanilang bahay na makalagpas lang ng ilog. Umihip ang malamig na hangin at napaakap sa sarili si Berting sa lamig. Napagtanto na niya na matagal na silang nasa daan ngunit hindi pa rin makarating sa paroroonang tulay. Nag iwan siya ng batong may palatandaan sa kanilang hinintuan atsaka tumuloy. Isang oras na ang makalipas ng paglalakbay ay napansin niya ang batong iniwan niya kanina sa kanyang hinintuan. Napag isip nito si Berting na nagtataka kung bakit hindi siya makarating sa bahay at parang paikot ikot lang siya. Natandaan niya ang sabi ng mga matatanda sa kanilang baryo," Kung ikaw ay hindi makarating sa paroroonan at sa tingin mo ay umiikot ka lang, tinitikbalang ka. Baliktarin mo ang iyong suot na damit atsaka muling tahakin ang daan...". Kaagad na naghubad ng damit si Berting atsaka sinuot ito nang pabaliktad. Tinahak nya ulit ang madilim na daan at napatingala. "Ang ganda ng buwan! Bilog na bilog!", namangha siya sa bilog at maliwanag na buwan. Ilang minuto ang nakaraan at nakikita na niya ang tulay. "Salamat sa Diyos! Makakuwi na rin ako..." napabuntong hininga siya pagkatapos sabihin ito. Nagulat na lang siya ng makarinig ng tunog ng pagpukpok ng kawayan. Napatingin siya sa malapit lang na bato. May nakapatong ritong putol na kawayan. Dahan dahan niyang pinalakad ang kalabaw. Nalagpasan na niya ang kawayan ng bigla itong gumalaw mag isa at ipinalo agn sarili nito sa bato! "Put@ng ina mo! Hindi mo ako matatakot sa ganyan ganyan lang!", nagmamatapang na sabi ni Berting. Huminto ang Kawayan at tinuloy ulit niya ang paglalakbay. Nang makarating sa tulay, nakarinig naman siya ng iyak ng sanggol. Nagsimulang kabahan si Berting. Nagmadali siyang makatawid dito ngunit sa kalagitnaan nito ay napahinto ang kalabaw niya. May nakaharang na kabaong sa kanyang daanan! Nakalutang ito ng ilang dangkal mula sa sahig ng tulay. Pumikit si Berting at pinakaripas ang kalabaw. Alam niya na tatamaan niya ang kabaong ngunit sa takot ay ipinamwalangbahala niya na lang iyon. Minulat niya ang mga mata niya at nakiramdam sa paligid. Nanindig ang kanang balahibo dahil sa likod nila ng kalabaw niya ay ang kabaong na kanyang nakita! Pinatakbo muli niya ang kalabaw nang maramdamang sumusunod ang kabaong. Nakarating siya sa bahay na hingal na hingal at pawis na pawis. Nagtanong ang kanyang mga magulang kung anong nangyari at isinalaysay niya ito. "Sabi ko sayong wag ka magpapakgabi sa bayan eh. Yan ang napapala mo. Hindi mo ba alam na doon itinatapon ang mga nagamit na kabaong at mga patay na sanggol? Pag gabi ay huwag na huwag na dadaan ka doon. Suwerte ka at buhay ka pa samantalang ang iba ay namamatay sa atake sa puso." Nanglambot si Berting sa narinig. Hinding hindi na siya dadaan dun lalo na pag gabi. Mas mabuti na hindi umuwi at matulog sa daan kaysa mamatay sa sindak sa kinatatakutang tulay.
Back to top Go down
lik3y0u
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: waaaa katacute amn   Sun Apr 18, 2010 11:11 pm

Suspect may kwento ba kayu tungkol sa demonyu?
Back to top Go down
 
Tulay
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: