Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 Paunang Babala sa mambabasa

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
seaHorse_13
Special Team
Special Team



PostSubject: Paunang Babala sa mambabasa   Sat Oct 25, 2008 4:37 pm

Ito ung mababasa niyo sa book sa first page ata un...so, beware daw!lol!


Sa kabila ng pagsulong ng siyensiya at teknolohiya ay hindi pa rin nawawala ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga multo at sa kung anu-ano pang kababalaghan na higit sa pangkaraniwan. Kaya naman patuloy ang pagdami ng mga babasahin at mga palabas sa telebisyon at sinehan ng mga kuwentong tumatalakay sa temang supernatural.

Ang layunin ng pagbuo ng aklat na ito ay hindi lamang para takutin ang mga mambabasang mahilig sa katatakutan—sa kasong ito ay kayo—kundi para lalo ninyong maunawaan ang mga dahilan at mga pinagmulan ng mga kababalaghang hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ng marami.

Ang mga kuwentong inyong mababasa ay mula sa iba’t ibang may-akda na magbabahagi ng mga kuwentong kinapapalooban ng mga misteryong mahirap ipaliwanag—ang ilan ay sarili nilang karanasan, ang iba ay ikinuwento sa kanila, at ang iba pa ay galing naman sa pananaliksik o `di kaya’y sa pakikipanayam sa mga taong nakaranas nang makaengkuwentro ng multo, aswang, tiyanak, tikbalang, engkanto, kapre, duwende, at marami pang ibang nilalang na hindi nakikita ng karamihan sa atin.

At para sa mga duda sa katotohanan ng pananatili ng mga ispiritu at iba pang mga kakaibang nilalang sa ating mundo, kayo na ang bahalang humusga kung dapat kayong maniwala o hindi pagkatapos ninyong basahin ang mga kuwento rito. Samantala, lubusin n’yo na ang pagbasa. Sinisiguro naming hindi kayo mabibitin sa katatakutan...




Takot ba kayo..?? Start na kasi kau bumili at magbasa..takutan na toh! affraid
Back to top Go down
YelLe
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: Paunang Babala sa mambabasa   Sun Mar 22, 2009 4:36 pm

oh yeah... ito nag yung nasa clik.to/malikmata site.. tsk..



di na ako nadadalaw dun... diretso na ako sa forum na to... hehehe pati guestbook, di ko na nadadalaw.... hehehe



so, okay...

simulan na ang takutan!


tabi tabi sa mga mahihina ang loob....

_________________
Back to top Go down
seaHorse_13
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: Paunang Babala sa mambabasa   Mon Mar 23, 2009 11:18 pm

ehem.. medyo mabagal nga loading ng site eh! kaya uo, diretso n forum..mas updated d2 (waaa... Suspect ) hehehe!!!
Back to top Go down
YelLe
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: Paunang Babala sa mambabasa   Tue Mar 24, 2009 10:59 am

ou nga... tapos before mo ma-access ang site, kelangan mo pang sagutan yung q na handa ka na bang matakot?


waaahh...

_________________
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: Paunang Babala sa mambabasa   Sat Jun 20, 2009 1:59 pm

hehe may sumisigaw p nga don e,napagkamalan p ako nanuod ng porn ni ermats dahil narinig nya yung sumisigaw n yon
Back to top Go down
seaHorse_13
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: Paunang Babala sa mambabasa   Tue Jun 23, 2009 11:04 am

nyah! hehehe.. meron din namn dun sa bagong site.. pareho lng ata un.hehehe!!!

_________________

.
.
aDd mE thRu FrieNdsTer - justberry@live.com - ciAo!
.
.
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: Paunang Babala sa mambabasa   Tue Jun 23, 2009 4:33 pm

meron p rin pla non,nakakabingi yon pag nka headset e
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Paunang Babala sa mambabasa   Today at 9:30 pm

Back to top Go down
 
Paunang Babala sa mambabasa
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: OUR HORROR BOOKS :: Mga Tunay Na Kwentong Galing Sa Hukay-
Jump to: