Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 Trip to Antique

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Flint28
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Trip to Antique   Thu Oct 22, 2009 2:07 pm

Trip to antique

Taga antique nanay ko. Pumunta kami dun kasama mga kapatid ko for vacation. During that time mga elementary pa 2 ko kapatid and ung bunso baby pa talaga.

Typical barrio yung lugar namin. Halos tabing dagat at puro mga puno ng niyog makikita mo. Yung tinuluyan namin eh yung kubo ng tita ko. Kubo talaga tas surrounded ng kawayan na fence.

Gabi na kami dumating dun. Brownout. Naabutan ko naglalaro ng tong-its mga relatives namin. Kandila lang source ng ilaw nung time na yun. Habang nagkakamustahan biglang may nadinig kami na parang "hikhikhikhik" na parang galing sa mga puno ng niyog. Eto namang nanay ko, sa salitang bisaya, sabi sa mga relatives namin na wag na ipaalam sakin kung ano yun at duwag daw kasi ako. Akala kasi nila di ako nakakaintindi ng bisaya. Kaya ayun lalo ako natakot.

Kinabukasan naguusap naman mga tao na yung mga kilalang mga aswang sa lugar namin ay nagkitakita daw sa baybay (tabing dagat). Ayun at talaga naman nakakatakot. Full moon ata nung time na ngyari yun eh. Saka natatandaan ko nung bata pa ko na pinagbabawal ng nanay ko pumunta ko sa isang side ng barrio namin. Yung half kasi namin halos mga relatives. Yung isa pang half mga aswang na daw.ang saya noh?

Ibang pangyayari naman during that trip.. Yung bunso namin na baby pa nung time na yun eh nabati nung kilalang aswang samin. Ayun at nilagnat tas iyak ng iyak. Nagpatawag nga ng albularyo at ayun naging ok naman pagkatapos.
Nung kinagabihan, tulog na ang lahat except sakin dahil nanunuod pa ko ng tv. Mga past 11 na ata nun. Tahimik na buong lugar. Habang nanunuod ako naka dinig ako ng pag pagaspas sa bubungan. Pinakinggan ko maigi. Inisip ko na kung manok lang yun dapat mabilis dapat yung pagaspas dahil maliit lang yung pakpak nun. Eh habang pinakikinggan ko, na realize ko na parang ang laki kasi ang bagal nung pag galaw niya.ang laki nung wing span. Hindi talaga manok o kung anu mang ibon lang. dinig ko talaga na nandun sa bubungan yung kung anu man yun. Sa takot na baka may makita ako pinilit ko na lang matulog.

Ang mas nakakatakot eh yung ngyari nung susunod na gabi. This time gising pa din nanay ko, 2 tita at yung pinsan kong babae. Mga 10pm yun. Habang nanunuod kami ng tv biglang may parang kumatok sa bubungan. Napatingin kami lahat. Yung bahay kasi surrounded ng kawayan fence tas naka chain na yung gate para ala makapasok. Kung may gusto man pumasok dapat tumawag muna para mabuksan yung gate. Pero alang natawag sa labas. Galing bubong unti unti bumababa yung pag katok. Nakatingin lang kami lahat. Yung tita ko nagsalita na manok lang daw yun at wag intindihin. Ako nakatitig sa bintana, dahil kahit takot ako parang gusto ko na may makita. Kumakatok na sa pinto mismo. Nakatitig pa din kami.. Ang lakas na ng katok yung tipong pinupwersa na. Hanggang galing pinto ung katok gumagalaw pagilid ng bahay. Ung pinsan ko, kahit babae eh ang tapang dahil dun naman sya lumaki, sumilip sa bintana. Nakita nya kung sino kumakatok. Bata daw na nakahubad. Pag kita sa kanya tumakbo sa gilid nung kubo. Ung pinsan ko kumuwa ng itak tas lumabas pero d na nya nakita yung bata.

Nagbukas na lang ng ilaw sa labas. After nun di na uli ngyari. Dami pa kwento sa lugar namin. Sama mu pa yung mga kuwento sa capiz at iloilo.. Katakot talaga.. Sa gusto magbakasyon samin pm nyo lang ako.. Hehehe..
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: Trip to Antique   Mon Oct 26, 2009 7:32 pm

flint kwento ka pa..hahaha katakot eh...

ayaw ko na yata bukasna ang pinto kung may kakatok

wahhhhhhhh

nananayo balahibo ko...

naman....!!! affraid
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: Trip to Antique   Tue Oct 27, 2009 12:06 pm

___
hindi ka pa nman aswang Flint ????

hehe!! piz!
ktakot nga puh ateh crazybsbfans
affraid affraid
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: Trip to Antique   Tue Oct 27, 2009 5:12 pm

wahahaha,,,

adik ka kunang ha?

pag dudahan ba si flint..

wahehehehe.....
Back to top Go down
Flint28
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Aswang ako?   Tue Oct 27, 2009 9:57 pm

Mukhang di naman ako aswang.. O baka di ko pa alam.. Hehe..
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: Trip to Antique   Wed Oct 28, 2009 5:41 am

wahahaha

better to check your self.

hehehe...
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: Trip to Antique   Fri Oct 30, 2009 9:09 am

oo nga nman . .. . . bka mamaya ang gusto muh na plang kainin ay tao . . .. wahahaha!!!! piZ!!!! cheers

pero hindi pa ako nakakakita ng aswang, pero marami na akong naririnig na kwento about d2 . . . . .
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: Trip to Antique   Fri Oct 30, 2009 7:08 pm

uu nga naman...

sabi nga ng lola ko..

bakit daw siya maniniwala sa aswang eh wala naman siyang

nakikitang tao na may bitbit na parte ng katawan ng tao..

at tsaka...sabi sabi lang naman raw iyon..

kaya bakit daw siya maniniwala???...hehehe
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: Trip to Antique   Sat Oct 31, 2009 5:46 pm

kasi ang mga aswang . .. may kakayahang manlinlang nang isang tao . . ..
kaya siguro hindi kuh sila natityempuhan . . .
sa bicol kasi meron . .. buti hindi akuh nkagat,... awtZ! clown pig
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: Trip to Antique   Sun Nov 01, 2009 11:17 am

wahahaha

kapag nakagat ka ng aswang

baka maging aswang ka na rin

wahhhhhhhh.....naman!!!... affraid
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: Trip to Antique   Fri Dec 11, 2009 10:32 am

bsta capiz antique at iloilo dami kwento jan,tga iloilo kc ako e,ang masasabi ko lng na pangontra sa aswang,wag kang maligo bago ka lumabas,tapos taas mo ang kili kili mo pag lalabas ka, takot kase sila sa amoy ng bawang
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Trip to Antique   Today at 9:24 pm

Back to top Go down
 
Trip to Antique
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Field trip interest
» My Trip to the Dark Side/Pooges
» Favourite colour combination in antique quilts?
» F/S antique OEM Impala badges
» Anyone want to see a teaser PDF from Antique radio classifieds?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: