Malikmata books, Mga tunay na kwentong galing sa hukay, bangungot, horror novels
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log inLog in  

Share | 
 

 nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
oneth
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Mon Sep 21, 2009 1:28 pm

Nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?

Last night.
Nasa gitna ako ng napakahabang kalsada - batuhan, ngunit patag na kalsada. Wala akong nakikita sa magkabila ng kalsada kundi nagtataasang damo na animo’y pader tulad ng the great wall of china. Walang ilaw sa poste, walang stars, walang moon, pero naaaninag ko ang paligid.
Suddenly, naintindihan ko ang lahat. Nananaginip lang ako. Nakahiga ako sa sofa, but I was also there walking sa gitna ng kadiliman.
Mula sa dulo ng nilalakbay kong kalsada ay lumitaw ang isang lalaki. Mabilis ang kanyang pagdating. Hindi tulad ng fast forward ang paglalakad niya. Kundi para bang images captured under a strobe light na sa bawat pagbukas ng ilaw ay few meters na agad ang inilapit niya sa akin. Until, he was there right in front of me.
“Nakapunta ka na ba?” Tanong sa akin ni Top (1998, nagkaroon ng battle of the bands sa previous company namin. Top was our lead guitarist. Kung bakit siya ang lumitaw sa panaginip ko ay hindi ko alam).
Klaro kong naaaninag ang mukha ni Top kahit madilim ang paligid. Same maamong mukha, same round-frameless eyeglasses, and same friendly smile.
“Hindi pa.” Sagot ko na para bang alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Hindi ako nagtanong sa kabila ng wala akong clue sa kanyang tanong.
”Sige na. Hinihintay ka na nila.” Pagtataboy ni Top sa akin.
Tinalikdan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakatanaw siya sa akin ng lingunin ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang iniisip kung bakit wala siyang ngipin.
Muli akong nag-isa sa kahabaan ng kalsada. Until isang bahay ang natanaw ko sa kaliwa. Sadyang hinawan ang nagtataasang damo upang doon ay itayo ang isang bahay.
Isang abandonadong bahay na yari sa kahoy. Walang itaas, at tama lang ang laki para sa maliit na pamilya. Kulay itim ang tingin ko sa buong labas ng bahay dahil sa kalumaan at dahil na rin sa kadiliman ng paligid.
Tagos sa sira-sirang bintana at pinto ang liwanag mula sa loob ng bahay.
Without hesitation, pumasok ako sa loob ng bahay.
At first, nasilaw ako, then nagliwanag sa paningin ko ang loob ng bahay.
Everybody was waiting for me. Puno ng tao ang loob ng bahay. Lahat sila ay nakaputi. Lahat sila ay nakatingin sa akin sa kabila ng wala naman silang mga mata. Wala silang mga mukha.
A sudden feeling na hindi ako makahinga. Hindi ako makakilos. Hindi ako makagalaw. Napakasikip ng silid para sa aming lahat.
Hindi ko nalilimutan that it was just a dream. Gusto kong gumising but hindi ko magawa.
I started to panic. I started to become harsh “Tumabi kayo!”
Nakatingin lang silang parang wala. They were not moving, but nararamdaman kong parang humihigpit sa pagkakagapos ang aking mga kamay at paa. The same feeling na nasasakal ako at kinakapos ng hangin.
Naghulagpos ako. Buong lakas akong kumawala sa pagkakagapos sa kung anong gumagapos sa akin.
“Alam mo ba kung bakit kami naririto?” Sabi ng lalaki mula sa likuran.
Unlike others, may mukha ang lalaking nagsalita. Unlike others, naka-itim siya. Ordinaryo ang hitsura. Somebody na hindi pag-aaksayahang pansinin kapag nakasalubong sa daan - hindi ko siya kilala.
“Alam mo ba kung sino ang pinaglalamayan namin?” he added.
Biglang napansin ko na lang na galing pala sa opposite side ang liwanag. Galing iyon sa mga ilaw na nakapalibot sa puting kabaong.
Again, I tried to wake-up. It was hopeless.
I found myself walking… palapit sa kabaong.
Without touching the coffin, tiningnan ko kung sino ang nasa loob niyon.
I was me.
Nagising ako.
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Tue Sep 22, 2009 11:28 am

ktakot nman puh yan . . ..
affraid affraid

mgdasal lang tayu,para hndi mgkatotoo . . .
tsaka diba puh,ang mga
panaginip eh kabaliktaran . . .

Question
Back to top Go down
kunang
Junior Chucky
Junior Chucky



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Fri Sep 25, 2009 7:43 pm

If you dream about some particular subject it is not often that the dream is about that. Dreams speak in a deeply symbolic language. The unconscious mind tries to compare your dream to something else, which is similar. Its like writing a poem and saying that a group of ants were like machines that never stop. But you would never compare something to itself, for example: “That beautiful sunset was like a beautiful sunset”. So whatever symbol your dream picks on it is most unlikely to be a symbol for itself.











pray dude!
Back to top Go down
oneth
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Tue Sep 29, 2009 10:22 am

katakot nga. that night di na ako nakatulog.
sabi nga na iba, kabaligtaran daw ang panaginip (hope so). but, i think you're right again by saying that dreams are like a symbolic representation of anything. we just have to decode it ourselves.

rgds.
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Tue Oct 13, 2009 3:59 am

ayy...ako na experience ko nang managinip na alam kung nanaginip ako..hehehe

pero hindi naman kasing creepy ng panaginip mo oneth..

lol!
Back to top Go down
oneth
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Thu Oct 15, 2009 12:26 pm

crazybsbfans,
why dont you share your not so creepy dream?

regards.
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Thu Oct 15, 2009 1:28 pm

nyekk???...hahaha

hindi naman sya nakakatakot..

i mean, hindi diya horror...wahehehe..

parang ordinaryo lang...pero ang alam ko nananaginip ako..

hehehe...

lol! lol!
Back to top Go down
jonsdmur
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: ako alam kong nananaginip ako   Thu Oct 29, 2009 8:38 am

lalo na kung tatay ko ang kasama ko... dead na kasi siya.... madalas nananaginip ako tungkol sa kanya...
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Fri Oct 30, 2009 7:00 pm

jonsdmur.....ano naman ang napanaginipan mo???

ako naman---parati ko napapanaginipan first love ko

hehehehe,,,na iwan ko ba kung bakit...hindi ko naman siya iniisip..

kakainis lang kasi..uhmm....never mind..

off topic na ako...

ok back to original topic tayo..hehehe lol!
Back to top Go down
jonsdmur
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: thanks!   Sat Oct 31, 2009 9:00 am

kunang wrote:
ktakot nman puh yan . . ..
affraid affraid

mgdasal lang tayu,para hndi mgkatotoo . . .
tsaka diba puh,ang mga
panaginip eh kabaliktaran . . .

Question

uo nga eh.. sa lahat panalangin ang mahalaga.... keep on praying.... lalo na sa araw ng undas.... have a great day!
Back to top Go down
jonsdmur
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: uo nga eh....   Sat Oct 31, 2009 9:02 am

crazybsbfans wrote:
jonsdmur.....ano naman ang napanaginipan mo???

ako naman---parati ko napapanaginipan first love ko

hehehehe,,,na iwan ko ba kung bakit...hindi ko naman siya iniisip..

kakainis lang kasi..uhmm....never mind..

off topic na ako...

ok back to original topic tayo..hehehe lol!


kadalasan kapag may problema ako.. nagpapakita ang papa ko sa dream ko... nung wala akong trabaho... napanaginipan ko siya.... sa panaginip ko... nag hahanap siya ng trabaho para sa akin.....

ingat ka lagi! Godbless!
Back to top Go down
crazybsbfans
Creepy Senior
Creepy Senior



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Sun Nov 01, 2009 11:16 am

ayyy!!!!

ang sweet ng tatay mo jonsdmur..

kahit wala na siya dito sa mundo

pinararamdam niya parin pagmamahal niya sa inyo/sayo

hehehe... santa
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Fri Dec 11, 2009 10:33 am

bsta pag nanaginip kyo ng numero, private message nyo lng ako d2 bka sakaling tumama tyo sa lotto
Back to top Go down
nudels
Special Team
Special Team



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Fri Dec 11, 2009 10:38 am

just pray n lng po na sana walang mangyari,may experience na kc akong ganyan,bsta nanaginip ako na bumagsak ako sa poso ng tubig, tapos kinabukasan nalunod ako,ewan ko parang sakn kc parang nag connect sila yung poso kc may tubig tapos sa tubig ako nalunod kaya aun
Back to top Go down
DeathAngel
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: mysterios stranger!!!   Tue Jan 05, 2010 12:47 pm

pwede mag tanong sa inyo am kasi mula pa noong high skul ako e noong na buksan 2ng 3rd eye dahil sa pag lalaro ng quija board may kung ano ng gumagambala sa panaginip ko may taong parang si kamatayan dahil naka suot siya ng tugang itim peru wala naman itong dala na kalawit sa lahat ng panaginip ko at lalo na sa mga times na binabangogot ako
di ko nga alam kung sino o ano to siya e???

can anyone tell me!!!

god bless you
Back to top Go down
ZzZzZ
Sleepy Mummy
Sleepy Mummy



PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Sat Sep 22, 2012 6:07 pm

Nung grade 5 ako nanaginipako na hinahabol ako nang aswang....kasama ju yungkaibigan ko..hinahabolkaming dalawa .. Twisted Evil Twisted Evil
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?   Today at 9:27 pm

Back to top Go down
 
nanaginip ka na ba na alam mong nananaginip ka?
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» [030908] Hyori - 17 vs 1 (Haha, MC Mong, Tim, Se7en)
» [080927] Hyori - Hey Mr Big [218M/avi]
» Azaux's Area of Answers!!
» Nippon Suiseki Meihinten 2009- photos by Jeff Amas
» George Clooney's Mystery Woman Revealed: 5 Things to Know Amal Alamuddin

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MALIKMATA FORUM :: MAGTAKUTAN TAYO :: Share your stories-
Jump to: